Buwis sa Netflix, tinabla ng mambabatas

Tinawag na ‘anti-consumer’ ni Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate ang pinaplanong pagbubuwis sa mga online streaming services.

Ipinapanukala kasi ngayon na patawan na rin ng 12% na value added tax ang subscription sa mga streaming platforms kagaya na lamang ng Netflix at Spotify.

Ayon kay Zarate, nararapat lang na tutulan, ibasura, at ibaon ang planong ito.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Ang planong ito raw kasi ay isa na namang hakbang laban sa mga mahihirap at middle class.

Giit ng mambabatas, kung gusto ng Gobyerno na pataasin ang revenue nito – dapat ay pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng progresibong tax system kung saan ay mas mabubuwisan ang mga mayayaman at malalaking kumpanya, at hindi ang mga mahihirap.

Sa Senado naman, sinabi ni Senador Chiz Escudero na hindi ito napapanahon at ‘burdensome’ lamang sa mga Pilipino.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Giit ni Escudero, dapat ay pagtuunan na muna ng pansin ng mga kinauukulan ay ang paghahabol sa uncollected na P200Billion na buwis na nawala dahil sa kurapsyon o inefficiency.

Matatandaang iminungkahi ni Finance Secretary Ben Diokno na buwisan na rin ang paggamit sa mga single use plastics, kabilang na rin ang mga online purchases, at ang bayad para sa mga subscription-based services.
#