LEGAZPI CITY – Sinalubong ni Albay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman ang delegado mula sa Chinese Embassy na si Huang Xilian kahapon, Hulyo 2 sa Legazpi City Old Airport.
Naganap rin ang pakikipagdayalogo ng gobernador kay Xilian tungkol sa posibleng kasunduan ng Albay at ng bansang China.
Ang diyalogo sa pagitan ng dalawang opisyal ay naganap sa Governor’s Guesthouse kung saan tinalakay ang mga benepisyo ng pakikipagkasundo ng bansang China at ng lalawigan.
Iprinesenta naman ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Chief na si Dr. Cedric Daep ang disaster response measures ng Albay kasunod ng kaguluhan ng Bulkang Mayon.
Samantala, inilalatag naman ni Provincial Planning and Development Office (PPDO) Coordinator na si Arnold Onrubia ang 5 point development agenda ng administrasyon.