Pinaghahandaan na ang pagdating mamayang gabi sa bansa si Indonesian President Joko Widodo para sa kanyang official state visit.
Ayon sa Presidential Communication Office, isa sa mga target sa pagbisita ni Widodo ay ang pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Indonesia.
Bukas, makikipagkita ang opisyal kay Pangulong Bongbong Marcos para sa bilateral meeting, at upang mapag-usapan ang gagawing joint press statement.
Maliban dito, magkakaroon din ng state banquet sa gabi ang naturang mga lider.
Mababatid na ang dalawang bansa ay may malawak na ugnayan pagdating sa mga issue ng pulitika, ekonomiya, at people-to-people ralations.
Samantala, nauna nang nagkaroon ng pulong sa pagitan ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo at kanyang counterpart na si Minister Retno Marsudi.
Dito nilagdaan ang ikapitong PH-Indonesia Joint Commission for Bilateral Cooperation agreement.
Kinumpirma rin ni Manalo na mulki nilang nabanggit sa Indonesian official ang request ng Gobyerno ng Pilipinas para sa clemency sa Pilipinang nakapila sa death row na si Mary Jane Veloso.