Pagdating ng unang batch ng Moderna vax, muling naipagpaliban sa June 27

Muling maaantala ang pagdating ng unang batch ng Moderna vaccines sa June 27.

Hindi naman sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon ang dahilan kung bakit muling naipagpaliban ang delivery ng naturang bakuna.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Noong nakaraang linggo nang sabihin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang unang batch na binubuo ng 250,000 doses ay inaasahang darating sa bansa kahapon, matapos na maantala mula sa initial target na dahil sa logistical issues.

Ayon sa national government, ang 100,000 doses mula sa naturang batch ay ipamamahagi sa private sector, na nagsisikap rin na mapabilis ang COVID-19 immunization program.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Matatandaan na noong Marso nang makakuha ang Pilipinas ng tripartite agreement sa US firm para sa 20 million doses ng kanilang coronavirus vaccines, kung saan pitong milyon dito ay binili ng private sector. // MHEL PACIA-TRINIDAD