Sputnik V 2nd dose, delayed: Efficacy ng bakuna, di maapektuhan – vax expert

Binigyang diin ng Vaccine Expert Panel na ang pagkaantala sa administration ng second dose ng Sputnik V COVID-19 vaccine ay hindi makakaapekto sa efficacy ng Russian-made vaccine.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit sa San Lazaro Hospital, na ang second dose ng naturang bakuna ay ligtas parin, basta’t ang interval ay hindi lalagpas ng anim na buwan o higit pa.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Ginawa ni Solate ang pagtitiyak matapos sabihin ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na naantala ang paghahatid ng 50,000 Sputnik V doses para sa Pilipinas dahil sa nagpapatuloy na upgrades at latest developments sa nakuna.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Giit ni Solante, ang second dose ay layunin na mapalakas ang existing antibodies mula sa first dose.

Ang Sputnik V ay ibinibigay ng dalawang doses na may tatlong interval sa pagitan ng doses. // MHEL PACIA-TRINIDAD