Kampante ang isang vaccine expert na malabo nang mangyari ang panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19, sa oras na umabot na ng 70% ng populasyon sa Pilipinas ang mababakunahan laban sa respiratory illness.
Paliwanag ni Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel , ang pagiging reliant sa mga bakuna na may mababang efficacy, gaya ng Chinese-made brand, ay dapat magbakuna ng mas malaking percentage ng kanilang populasyon para matiyak ang proteksyon laban sa COVID-19.
Pero para sa Pilipinas, sinabi ni Solante na ang pagbabakuna sa 70% ng populasyon ay sapat na, dahil ang bansa ay maraming uri ng COVID-19 vaccine brands na binubuo ng Pfizer, AstraZeneca, Sputnik V, at Sinovac.
Sinabi rin ng eksperto na ang mga reports ng surges sa mga bansa kung saan mayorya ng populayon ay nakatanggap ng Chinese vaccine ay kailangan ng karagdagang pag-aaral.
Para kasi sa VEP, pwedeng dumadami lang ang kaso pero wala namang namatay o nagdevelop ng severe infection. // MHEL PACIA-TRINIDAD