CAMARINES NORTE- Pinag- aaralan na rin ngayon ng Commission on Elections ang pagdaraos ng candidates forum para sa mga kandidatong tumatakbo sa lokal na posisyon.
Ayon kay Basud, Camarines Norte Election Officer III Virgilio Veras posible umanong gawin ito bago o sa campaign period sa local candidates na magsisimula sa March 25.
Sa ngayon umano ay natatapos pa lang ang Comelec partikular sa kaniyang Area of Responsibility sa pag- designate ng mga gurong magsisilbi sa halalan bilang Electoral Board at Technical Support Staff.
Magkakaroon pa raw ng pakikipag usap ang Comelec sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa gagawing candidates forum.
Ang PPCRV ang accredited citizen arm ng Comelec sa pagtataguyod ng isang maayos at malinis na halalan.
Ani Veras hindi naman bawal ang pagsasagawa ng mga candidates forum basta’t masusunod lang ang health protocols kontra COVID- 19.
Maliban sa PPCRV ay makikipag ugnayan din ang Comelec sa iba pang sektor na makakatuwang sa halalan.
