Bubuksan nang muli ang pagdalaw ng personal ng mga kamag-anak ng Person Deprived of Liberty (PDL) sa BJMP Cauayan sa oras na makamit ang 85% herd immunity sa loob ng piitan.
Ito ang kinumpirma ni J/CINSP Bonifacio Guittering ang District Jail Warden ng BJMP Cauayan sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.
Aniya, inaasahang makakamit ng BJMP Cauayan ang 85% herd immunity kung magiging fully vaccinated na ang 166 na PDL na nakatanggap kahapon, November 11, 2021 ng kanilang first dose ng Astrazeneca vaccine.
Dagdag pa niya, sa ngayon 21% o katumbas ng 50 PDL pa lamang ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Habang mayroon naman anim na PDL ang nadefer o hindi nabakunahan matapos makitaan ang mga ito ng sintomas.
Ayon pa kay Jail Warden Guittering, bukod sa mga PDL ay fully vaccinated na rin ang mga personnel ng BJMP Cauayan.
Nilinaw naman niya na ang mga maari lamang dumalaw ng personal sa kanilang mga kamag-anak na PDL ay mga fully vaccinated lamang upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito laban sa COVID-19.
Nagpasalamat naman siJ/CINSP Guittering sa LGU- Cauayan at CHO Cauayan dahil nabigyan ng importansya na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga PDL sa kabila ng napanatiling COVID-free ang piitan.