Umabot na sa mahigit 440,000 na mga indibidwal ang nababakunahan kontra COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.
Batay sa huling datos mula sa National Immunization Program-Isabela Integrated Provincial Health Office, nasa kabuoang 440, 959 na ang nakatanggap ng first dose ng COVID vaccine o katumbas ng 29.7%.
Habang mayroon namang 250, 158 na mga indibidwal o katumbas ng 16.06% ang nabigyan na ng second dose.
Sa kabuoan nasa 42.4% na mula sa 70% ng target population ang nakatanggap na ng bakuna sa buong lalawigan.
Patuloy naman ang paghikayat pa ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa lahat na makipag-isa sa ginagawang bakunahan laban sa nakakahawang corona virus kasabay din ng pagpapaalala sa patuloy na pagsunod sa health protocols.
Photo/PHO Isabela