Ipinunto ni Senador Joel Villanueva na mahalagang mapaigting ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kanilang hakbang sa pagpapasara ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Ito ay matapos magsilabasan ng iba’t ibang ebidensya na nagsasangkot sa mga POGO sa ilang krimen tulad ng torture, kidnapping, murder at human trafficking.
Anya, hindi naman kase mangyayari ito kung natutukan ng nasabing regulator ang mga operasyon ng POGO sa bansa lalo na’t ilan sa mg ito ay ex-PAGCOR licensees.
Samantala, ipinanawagan din niya sa mga ito ang pag-imbestiga sa mga online gambling na napakadaling i-access sa mobile device at pagpasa ng Senate Bill No. 1281 o Anti-Online Gambling Act sa Kongreso.