Pagbuo ng ELA para sa So.Cot, sisimulan na; SP may mga priority legislations na

KORONADAL CITY- SISIMULAN na sa susunod na linggo ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato at punong ehekutibo ang pagbuo ng Executive Legislative Agenda o ELA na magiging batayan ng mga programa at proyekto na ipatutupad sa lalawigan sa loob ng tatlong taon. Ito ang inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr sa kanyang mensahe sa inaugural session ng SP.

Ayon sa gobernador na excited siya sa paggawa ng ELA dahil kumpiyansa ito na susuportahan ng SP ang kanyang mga plano at direksyon para sa ikabubuti ng South Cotabato.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Majority ng mga SP members ay kaalyado ni Governor Tamayo.

Samantala, pinasiguro naman ni Vice Governor Arthur Pingoy Jr ang suporta ng SP sa gobernador.
Ayon kay Pingoy na may natukoy na rin silang priority legislations na kinabibilangan ng institutionalization ng free hospitalization at free education program, expansion ng South Cotabato Provincial Hospital at pagpapatupad ng half-way out program para sa mga inmates sa provincial jail.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pagatutukan din ng bise gobernador ang pagreporma sa sistema at proseso sa SP upang mas maging epektibo ang function nito at pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.