Isa patay, estudyante sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa San Pascual, Batangas

Patay ang isang 53 na lalaki na sakay ng kanyang motorsiklo matapos na makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo sa New Diversion Road, Brgy. Bayanan, San Pascual, Batangas.

Kinilala ng San Pascual Municipal Police Station ang nasawing biktima na si Rogelio Mendoza, 53 anyos at ang nakasalpukan ng sinasakyang motorsiklo nito na si Jayvee Del Mundo, 18 anyos.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-9 ng umaga ng Hulyo 5, 2022 habang binabagtas ni Mendoza ang New Diversion Road sa Brgy Banaba, San Pascual, Batangas papasok sa Municipal road ng nasabing barangay ng aksidenteng sumalpok sa kanya ang motorsiklong dinadala ni Del Mundo.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Dahil dito, tumilapon pareho ang dalawa sa daan at naging sanhi ng pagkamatay ni Mendoza.

Samantala, nagtamo naman ng maraming sugat sa katawan si Del Mundo at naisugod agad sa pinaka-malapit na ospital.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa naganap na insidente.