Comelec registration para sa SK at Brgy Election, nagpapatuloy

KORONADAL CITY — NAGPAPATULOY ang registration na isinasagawa ng City Comelec Office ng Koronadal para sa mga nais bomoto sa darating na SK at Barangay Election sa Disyembre 5 ngayong taon.

Bukas ang nasabing registration para sa mga nasa edad 15 hanggang 30-anyos para makaboto sa SK at sa mga nagnanais maka-boto para sa darating na Barangay Election.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Bukas din ang City Comelec Office para sa nais na magpa-transfer ng registration, reactivaction at iba pa.
Kabilang sa mga requirements upang maka-rehistro ay ang isang valid ID, Birth Certificate at dapat naka fill-out online sa comelec.gov.ph.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kailangan namang mag-presenta ng barangay residency at ID at anuman uri ng utility bills ang mga magpapalipat ng registration.

Sa dagdag na detalye ukol sa registration, maaaring bisitahin ang City Comelec Office sa Old City Hall ng Koronadal.