LEGAZPI CITY – Dinarayo ngayon ng mga Polangueño ang kakabukas pa lamang na Christmas Bazaar na pormal nang nagsagawa ng Grand opening.
Ang pagbubukas ay pinangunahan ni Polangui mayor Andy Mariscotes.
Aniya, malaking pagkakataon ito sa mga small business enterprises na makapagtinda na walang babayaran sa pwesto.
Ayon pa kay Mariscotes, ito ay magsisilbing regalo ngayong kapaskuhan para sa 43 vendors ng Public Market.
Binigyan diin nito, na hindi na rin mahihirapan pa ang mga mamimili na tumungo sa public market dahil sa andito na rin ang kanilang kinakailangan at mapapamura pa ang mga ito sa presyo ng kanilang bibilhin na produkto.
Ang Christmas Bazaar ay magtatagal ito hanggang sa buwan ng Enero 7 at bukas lamang ito hanggang 12 midnight sa araw araw.