Mahigit 271K na mga indibidwal sa Catanduanes, bakunado na kontra COVID-19

BNFM BICOL–  Umabot na sa kabuuang 271,769 individuals ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes, batay sa pinaka latest na report ng Provincial Health Office as of December 10, 2021.

Mula sa naturang bilang, 178,174 na mga indibidwal o 78% ng current target population ang naturukan na ng first dose ng bakuna, habang 93,595 individuals o 41% ng current target population naman ang fully vaccinated na kontra sa sakit kabilang ang mga tumanggap ng one shot COVID-19 vaccine na Janssen.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Bunsod nito, naabot na ng Catanduanes ang 34% vaccination coverage mula sa 100% ng kanilang target population.

Kaugnay nito, inihayag ng PHO na asahan umano na tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng vaccination roll-out sa lalawigan lalo na at dumating nito lamang nakaraang linggo ang dagdag na 8,800 doses ng Sinovac; 5,850 doses ng Pfizer at 6,600 doses ng Aztrasenica vaccine sa islang probinsya.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Patuloy naman ang panawagan ng tanggapan sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan upang mabigyan ng proteksyon ang sarili laban sa nakamamatay na virus.###