July 18, idineklarang special non-working holiday sa buong So.Cot

KORONADAL CITY- IDINEKLARANG special non-working holiday sa buong lalawigan ng South Cotabato sa Lunes, July 18 para sa commemoration at selebrasyon ng Foundation Anniversary at culmination ng T’nalak Festival.

Ito ay batay sa Republic Act No. 9654 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng panahon ang lahat na makapagdiwang ng kapistahan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kabilang sa mga aabangang aktibidad sa July 18 ang Anniversary Program at Magsinadya Street Dancing Competition sa Alunan Avenue at South Cotabato Sports Complex; awarding ng Bahay Kubo; Governor’s Night and Recognition Awards Night; Rock-rakan sa T’nalak at Grand Fireworks Display.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar