VP Sara, nagbigay ng mensahe sa mga kabataang kalahok sa Palarong Pambansa

Nagbigay ng mensahe si resigned Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte sa mga kabataang lalahok sa Palarong Pambansa 2024.

Ayon kay Duterte, hindi uuwing talo ang mga atletang sasali sa palakasan.

Ang simpleng partisipasyon kasi aniya ng mga ito ay isa nang tagumpay.

Umaasa umano si Duterte na babaunin ng mga kabataan ang pakikipagkaibagan, disiplina, at pagpupursige, at katatagan para sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *