Pagbubukas ng Commodity and Processing Center, magbubukas

Binigyang diin ng Sorsogon City Agricultures Office (CAO) na napakalaking tulong sa pagkakaroon ng mas malawak na market ng Pili oras na mag- operate na ang Commodity and Processing Center na itinatayo sa Barangay Abuyog, Sorsogon City.

Ayon sa pinuno ng tanggapan na si Adeline Detera, kasalukuyan pang kinukumpleto ang mga kagamitan na kinakalialngan sa naturang pasilidad.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Kapag natapos na ito, iba’t-ibang uri ng produktong Pili ang maaring  maproseso rito lalo na ang Pili extract o ang elemi na napakataas ng demand sa world market kung kaya’t malaki na ang magiging kontribusyon nito sa ekonomiya ng lalawigan dahil sa mas mataas na exportations.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Dagdag pa ng opisyal, marami pang mga processing facilities ang itatayo ng LGU kung saan hindi dapat manatili sa pagiging supplier ng raw materials ng Pili ang lalawigan kundi maging ang mga finished products.