Pagbiyahe ng pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes pahirapan kahapon dahil sa hindi magandang lagay ng panahon

CAMARINES NORTE- Pahirapan ang pagbiyahe ng pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kahapon dahil sa baha na dulot ng mga pag ulang naranasan simula pa noong linggo ng gabi.

Pero tila hindi pa dito nagtatapos ang kalaaryo ng mga sumasakay sa pampasaherong bangka dahil sa pagtaya ng mga kinauukulan ay aabutin pa ng isang linggo ang ganitong panahon.

Bukod sa malakas na agos ng tubig ay matinding kalaban din ang malakas na alon.

Read More:  Man stabbed by neighbor in Dapitan City

Pinayagan ang pagbiyahe ng pampasaherong bangka sa naturang bayan dahil nasa loob lang naman ito at hindi naman matagal ang biyahe.

Isang bangka naman ang lumubog habang ito ay nakagarahe sa pantalan ng Barangay Manguisoc.

Lumubog umano ito dahil sa matinding pag ulan noong linggo ng gabi at napuno na tubig ang bangka.

Mayroon namang mga bumalandra sa gilid ng pantalan at sa kabutihang palad  ay walang naanod.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Bago pa kasi bumuhos ang makakalas na pag ulan ay inilikas na ng mga mangingisda ang kanilang bangka sa ligtas na lugar.

Ayon sa Philippine Coast Guard asahan ang maalon hanggang sa napakaalong kondisyon ng karagatan.

Samantala, pahirapan naman ang biyahe sa mga taga coastal barangay ng Mercedes.

Mistulang na isolate kasi  ang mga barangay na simula sa Barangay Colasi patungong Lanot dahil sa matinding baha.