Bilang ng mga vaccinated individuals sa Catanduanes kontra COVID-19, umabot na sa mahigit 315K

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Catanduanes Provincial Health Office  na umabot na sa kabuuang 315,752 individuals sa islang lalawigan ang bakunado na kontra COVID-19.

Batay sa pinakahuling tala ng tanggapan as of December 23, 2021, 187,764 na mga indibidwal o 82% ng current target population ang naturukan na ng first dose ng bakuna habang nasa 127,988 individuals naman o 56% ng current target population ang fully vaccinated na kabilang ang mga naturukan ng one shot Janssen COVID-19 vaccine.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Bunsod nito, nasa 47% na ng kabuuang target population sa Catanduanes ang nabakunahan na kontra sa naturang sakit habang nasa 4,345 naman ang mga naturukan na ng booster shot.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Kaugnay nito patuloy naman ang paalala ng PHO sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan sa islang probinsya dahil medyo malayo-layo pa ang agwat na kailangang habulin upang tuluyang makamit ang ‘herd immunity’ mula sakanilang target na 228,180 fully vaccinated individuals sa nasabing lalawigan.###