Pagbibigay ng malaking incentibo sa mga atleta, isa sa mga dahilan sa pag-angat ng sports events kahit mayroon pandemya – DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Hindi inaakala ng Department of Education (DEPED) Bicol na makakasungkit ng ilang mga kampeon at places ang rehiyon sa sports events sa kakatapos lamang na 2023 Pambansa Pre-Qualifying event na ginanap sa Laguna.

Ayon kay DEPED Regional Director Gilbert Sadsad, isa sa mga nakikitang dahilan nito kung bakit umaangat sa sports events ang rehiyon kahit mayroon pang pandemya ay dahil sa malaking insentibong ibinibigay nito sa mga manlalaro.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aniya, ito ay kina-career o naging determinasyon ng mga athleta upang makakuha ng insentibo mula sa ahensya.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kung matatandaan, nagsimula sila sa pagbibigay ng insentibo noong taong 2019.

Dagdag pa nito, hindi lamang insentibo ang kanilang nakikitang dahilan kundi maging sa pag-eensayo, paghahanda at malaking suportang nakukuha mula sa mga stakeholders kung kaya’t gumanda ang performance ng mga atleta sa pre-qualifying event.