CAMARINES NORTE- Nagpapatuloy sa ngayon sa bayan ng Labo ang pamamahagi ng Commission on Elections sa mga honorarium ng mga poll workers na nagsilbi nitong nakaraang eleksyon
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Election Officer III Larievic O. De Guzman, nasa 740 poll workers ang nagsilbi sa katatapos lang na halalan
Ang 333 na Electoral Board ay agad na rin nakakuha matapos na maibalik na sa munisipyo ang mga ballot boxes at reports.
bunsod nito nasa 425 poll workers na ang nareleasan ng honorarium hanggang nitong May 16.
Ngayong araw ng lunes, 125 poll workers pa ang karagdagang mabibigyan ng honorarium
habang nasa 180 pang mga poll workers ang kasalukuyang kinukumpleto ang mga dokumento na kailangang i-comply bago mairelease ang kanilang honorarium
Paliwanag naman ni De Guzman, Mayroon na umanong pondo pero hindi agad- agad naipamahagi dahil kinailangan pang tapusin ang mga isusumiteng reports na may kaugnayan sa katatapos lang na halalan
Inaasahan naman ng naturang opisyal na matatapos na nila ang pagbibigay ng honorarium ng mga guro ngayong linggong ito
