Ilang mga magsasaka sa Camarines Sur payag na gawing P20.00 ang bawat kilo ng  bigas kung masusunod muna ang kanilang mga kondisyon

NAGA CITY- Mabigat sa loob ng mga magsasaka na gawing P20.00 ang bawat kilo ng bigas subalit papayag sila kung masusunod muna ang kanilang mga kondisyon.

Isa sa mga plano ng Presumptive President na si Ferdinand “Bong-bong” Marcos Jr. na maibaba sa P20.00 ang bawat kilo ng bigas, sinabi niya ito sa kasagsagan ng pangangampanya. Ngayong tapos na ang eleksyon hati ang opinyon ng publiko.  Pabor para sa mga consumers subalit taas kilay ang maraming magsasaka.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Para kay Roberto Albis ng Malitbong Minalabac na 50-taon nang  nagtatanim napakahirap maging magsasaka ngayon, mahal ang farm inputs tulad ng abono, pesticides at petrolyo na gamit sa mga makina.  Ito sana aniya ang unahing maibaba bago ang presyo ng bigas.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ganito rin ang pakiramdam ng kaaani lamang na si Elmer Noora ng Sitio Baras , Barangay Malitbog, dalawang taon pa lang siyang nagsasaka sana aniya ay balansihin muna ng susunod na administrasyon ang mga gagawing aksyon.