Pagbenta ng milk products ng Albay Dairy Plant, hindi umano naapektuhan sa panahon ng pandemya

LEGAZPI CITY – Aminado ang Albay Dairy Plant na sa unang bugso o  pagtama ng COVID-19 sa bansa ay nahirapan din ito sa pagbenta sa mga lugar dahil sa mga restrictions na ipinatutupad ng Inter Agency Task Force (IATF) kung saan kokonti umano ang lumalabas na tao.

Ngunit ayon kay Ninive Latigay, Plan Manager ng Dairy Plant ng nasabing lalawigan, nang nasa kalagitnaan na ng pandemya ay hindi na naapektohan ang kanilang benta dahil sa naidadala na nila ito sa mga lugar ng Bicol Region.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dahil sa pagluwag ng mga restrictions sa bansa ay nakuha nila ang gross sale sa taon 2021 na mahigit limangdaang libumpiso.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Maliban pa rito, nagkaroon din ng launching ng bagong tatlong flavor products tulad ng strawberry flavored, coffee at banana. Sinabi ng opisyal, pinakamabentang milk products ay ang choco fun na kung saan umaabot ito sa limampung libumpiso bawat buwan at sinusundan ito ng strawberry milk, pasturize at iba pang milk products.