600K tinatayang dumalo sa fluvial procession nitong Sabado; aktibidad payapa ayon sa Security Cluster

NAGA CITY- Tinatayang nasa 500-libo hanggang 600-libo ang dumalo sa Peñafrancia Fluvial Procession nitong Sabado, Setyembre 17, 2022  sa Naga City.

Ito ang pagtataya ng Security Cluster. Ayon kay PLt.Col Errol Garchitorena, Deputy City Director For Operations mag-pupulong pa sila ng jpint operation center sa total assessment at sa final crowd estimate pero sa kanila aniyang hanay ito ang pagtataya kasama na rito ang mag nasa riverbanks na nag-abang ng pagdaan ng pagoda ni Ina. Sa centro ng Naga , di mahulugang karayom nang dumaan sa General Luna Street hanggang sa makarating sa Dalhugan sa may Tabuco Bridge.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession
Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Gayundin ang mga debotong mataas pa ang sikat ng araw ay pumuwesto na sa Basilica Minore upang mag-abang sa pagdating ni Ina.

May mga nagpasaway pa ring voyador lalo na nag mga nakainum,may mag nagsuntukan ngunit ayon sa PNP, kung lalahatin payapa naman ang aktibidad.