Pagbawi sa ban sa entry visas at workers visa sa mga Pinoy sa Kuwait, pinuri ng isang kongresista

Ikinalugod ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ang desisyon ng gobyerno ng Kuwait na bawiin na ang ban sa pagkakaloob ng entry visas at worker visas sa mga Pilipino makalipas ang mahigit isang taon.

Ayon kay Salo, magandang pangyayari ito tungo sa pagpapatibay ng labor relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Pinasalamatan nito si First Deputy Prime Minister at concurrent Minister of Defense and Interior, Fahad Yousuf Saud Al-Sabah matapos na muling buksan ang pinto para sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa Kuwait.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Gayundin kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at sa Philippine Embassy officials sa Kuwait dahil sa pagtitiyak na nakalatag ang mga hakbang para protektahan ang OFWs habang nagtatrabaho sa naturang bansa.

Punto ni Salo, ang pagbawi sa ban ay alinsunod sa commitment ni Deputy Prime Minister Fahad sa Philippine delegation nang magsagawa sila ng courtesy call noong June 13 sa kasagsagan ng Middle East consultation.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Dagdag pa ng kongresista, lubhang nakaapekto sa OFWs at Kuwait employers ang ipinatupad na hakbang lalo’t base sa datos ng Philippine Embassy ay 268,000 ang Filipino workers doon bago ang ban at 50 percent ng kabuuang domestic labor force sa Kuwait ay mga Pinoy.

Sa Joint Statement kahapon ay nabatid na ibabalik na ang recruitment ng Filipino workers at papayagan ang recruitment ng domestic workers na may karanasan na sa pagtatrabaho abroad.