Pagbalanse sa food production at security, tinalakay sa Cabinet Meeting

Natalakay sa Cabinet Meeting ngayong araw ang ilang mga polisiya’t hakbang ng gobyerno para masigurong sapat ang suplay ng pagkain sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang food security ang pangunahing paksa ng pagpupulong ngayong araw.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Nag-ulat umano ang Department of Agriculture kung saan ay pinag-usapan ang pangangailangan sa policy review, o posibleng mga panukala para rito.

Kabilang na riyan ang pag-balanse sa importation ng bansa sa local production nito.

Inaral din ang mga paraan para matugunan ang mga napaulat na over-supply at under-supply sa ilang mga agricultural products.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Maliban sa DA, isa-isa ring nag-ulat ang Transportation Department, NEDA, at Department of Interior and Local Government.

Ilan sa mga paksang napagusapan ay ang transportation efficiency at iba pang usapin sa pampublikong sasakyan.
#