Kabi-kabilang abduction cases sa bansa, pinaiimbestigahan na sa Kongreso

Pormal nang pinaiimbestigahan sa Senado ang mga napaulat na abductions at kidnappings sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Inihain ni Senadora Grace Poe ang Senate Resolution No. 195 na layong atasan ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na magsagawa ng inquiry in aid of legislation.

Sa explanatory ng Senadora, sinabing ang sunud-sunod na mga kidnapping incidents ay nagdudulot ng pangamba at agam-agam sa mga Pilipino.

Dapat na umano itong maresolba’t mabigyan ng linaw – lalo na ang mga napapaulat na balita na puting van na nangunguha ng mga mabibiktima nito.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Bagamat sinabi na raw ni PNP chief Rodolfo Azurin na ‘manageable’ ang mga insidenteng ito, dapat umanong masigurong namo-mobilize ang lahat ng mga units ng Pambansang Pulisya para maiwasan ang mga ganitong insidente.

Samantala, bago ito ay una nang tiniyak ng chairperson ng Kumite na si dating PNP chief Senador Bato dela Rosa na handa ang kanyang panel na imbestigahan ang mga kidnapping incidents.

Una na ring nanawagan si dela Rosa kay Azurin na mas paigtingin pa ang anti-kidnapping efforts nito.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Samantala, sa pulong balitaan, kinumpirma ni dela Rosa na itinakda na ang Senate inquiry sa Huwebes, September 15, 2022

Ayon kay Senador Dela Rosa, kailangan na magkaroon ng inquiry ang Senado ukol dito upang mas lalong ma-inform ang publiko ukol sa mga nangyayaring umano’y pandurukot.

Una rito’y mayroon nang tatlong resolusyon na inihain sina Senador JV Ejercito, Senador Imee Marcos at Poe para imbestigahan ang pagdami ng mga kidnapping case sa Pilipinas.


#