Masayang ibinalita ngayong araw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) na nagkaloob sila ng aabot sa P2.5 billion na pondo para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni PCSO General Manager Melquialdes Robles na nai-remit na nila sa National Treasury ang naturang pondo.
Ayon kay Robles, suporta ito ng PCSO para sa Universal Healthcare Law.
Kaugnay nito, lubos namang nagagalak ang PhilHealth na sila ang napiling recipient ng PCSO para sa nasabing funds.
Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ilalaan nila ang pondong bigay ng PCSO sa benefit improvement ng ahensya.
#
