Pagbabawal sa pag gamit ng AI sa eleksyon, isinangguni na ng Comelec

Isinangguni na ng Commission on Elections (Comelec) ang iminungkahing pagbabawal ng artificial intelligence (AI) at deepfake sa panahon ng halalan sa susunod na taon.

Kinumpirma ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang pagsangguni nito sa Committees on Digital Transformation at kontra fake news.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Muling iginiit ni Garcia ang kanyang posisyon na ipagbawal sa mga magiging kandidato na gumamit ng AI technology dahil maaring palalain lamang nito ang disinformation sa bansa tuwing eleksyon.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Naninindigan din ito na dapat makita ng mga botante ang tunay na pagkakakilanlan at imahe ng mga kandidato nang walang tulong sa teknolohiya.