Mexico, nakapagtala ng unang kaso ng namatay dahil sa H5N2 strain ng bird flu

Naitala na sa Mexico ang kauna-unahang kaso ng taong namatay dahil sa panibagong subvariant ng bird flu.

Ayon sa World Health Organization namatay ang 59-anyos na lalakeng pasyente nitong April 4 matapos magpositibo sa H5N2 strain ng bird flu.

Read More:  62-year-old OFW dies in highway crash in Taiwan

Kabilang sa mga sintomas ng pasiyente ay ang lagnat, hirap sa paghinga, diarrhea, at pagkahilo.

Sinabi ng WHO bago pa man tamaan ng bird flu may existing condition na ang lalake gaya ng kidney disease, diabetes at hypertension.

Read More:  Brazil fines TikTok $30-M over alleged failure to protect minors

Inaalam pa rin ngayon kung paano naipasa ang virus sa kanya.

Nag negatibo naman sa sakit ang ilang nakasalamuha ng pasyente.