Mga opisyal ng DMW, lilipad pa-Saudi Arabia

Lilipad ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) patungong Saudi Arabia upang ipagpatuloy ang mga talakayan sa hindi pa nababayarang suweldo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagtrabaho sa mga kompanyang nagdeklara ng bankruptcy noong 2015.

Inaasahang makakarating si DMW Undersecretary Bernard Olalia sa Saudi ngayong buwan habang susunod naman sa Hulyo si DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Nasa 10,000 claimants, na dating OFW sa Saudi, ang naghihintay pa rin ng kanilang backpay matapos ma-repatriate noong 2016 dahil sa financial crisis sa bansa.

Sa ngayon, 1,500 na tseke pa lang ang na i-isyu ng Saudi Arabia.

Bukod pa rito, tatalakayin din ni Cacdac ang ligtas at malinaw na proseso ng recruitment sa bansa para sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *