Pagbabawal sa highway ng mga bike at e-bike sa Naga City at ang pagpaparehistro, muling ipinanawagan ng Naga City bicycle board division

NAGA CITY – Muling ipinanawagan at nakiki-usap ang Naga City Bicycle Board Division sa lahat ng mga bike at e-bike owners sa lungsod na bawal sila sa highway dahil nakakadulot at nagiging dahilan ng mabagal na daloy ng trapiko na ikinagagalit na rin ng mga biyahero, maliban pa riyan ipinaki-usap na rin na magparehistro.

Sa nakuhang impormasyon kasi kay Renne Gumba, Executive Director ng Naga City Public Safety Office, marami ang nagiging violators lalo na ang mga e-bike.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Katunayan ang Naga Land Transportation Office, ay nasasagawa ng Road Safety Operation lalo na para sa mga e-bike owners na nagiging problema sa ngayon sa lungsod.

Sa panayam naman kay Jonathan Hernandez, Head ng NCBBD, ito ang nais rin nilang maayos, ma-regulate lalo na’t dumaraming mamamayan ng lungsod maging ng ibang bayan ang gumagamit ng e-bike dahil nga sa madaling gamitin, eco friendly at malaking tulong sa pang-araw-araw, na patuloy din nilang hinihikayat na magparehistro, sumunod din sa mga patakaran.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Dagdag pa ng opisyal, maging ang linya para sa kanila o bike lane ay patuloy ding inaayos para sa pagsasaayos ng batas trapiko sa kalsada.