Kalusugan ng mga nagueño kabilang na ang media practitioners kabilang sa tinututukan ng City LGU ngayong taon

NAGA CITY – Umaabot ng halos 49 libong piso ang naibibigay na pinakamataas na  financial assistance ng LGU-Naga sa sinumang mamamayan sa lungsod na naka-confine sa ospital, pribado man o pang pampubliko lalo na sa bagong Naga City General Hospital.

Karamihan sa mga pasyenteng may mataas na hospital bills ay ang mga regular na nagpapa-confine tulad ng nagda-dialysis at iba pang malalang sakit na sobrang mahal ng mga gamot at doctors fee.

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Sa pagharap sa media at sa Brigada News FM Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro, sinabi nitong hindi lang ang mga ordinaryong taga lungsod ang dapat na makapag-avail ng libreng gamutan o hospitalization kundi maging ang mga empleyado kasali na ang mga media practitioner. 

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Ayon kay Baldemoro, may mga isinasagawang free medical mission ang City Government katulong ang iba pang Government Line Agencies tulad ng Ako Bikol Partilyst na may pondong inilaan para sa programang ito.