SPPO, nakatanggap ng bagong patrol cars

SORSOGON CITY – Nakatanggap ang Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) ng dalawang bagong mga patrol cars mula sa Police Regional Office 5 (PRO5).

Pinangunahan mismo ni PRO5 Regional Director PBGen Jonnel Estomo ang distribusyon matapos ang isinagawang blessings dito.

Read More:  11 arrested after alleged ecstasy drug den busted in Davao City

Ang Camarines Sur PPO ay nakatanggap ng 8 patrol cars para sa 8 municipal police nito habang ang Catanduanes at Masbate PPO ay nakatanggap ng dalawa at apat naman sa Naga City Police Station.

Ang dalawang patrol cars na natanggap ng SPPO ay para sa Bulan at Matnog MunicipalPolice Station.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Ayon kay PGen Estomo, ang pamamahagi ng sasakyan ay parte ng tuloy-tuloy na modernisasyon ng PNP na bahagi na rin ng Capability Enhancement Program nito.

Sa bagong mga sasakyan, sinabi ni Estomo na mapapalakas nito ang kapabilidad ng mga MPS sa pagresponde sa mga krimen at ibang insidente.