NAGA CITY- Nakatakda nang simulan ngayong linggo ang pagbabakuna para sa mga nasa A4 Priority o mga Economic Frontliners.
Mahalagang mabigyan na rin ng proteksyon laban sa matinding epekto ng COVID-19 ang mga essential sectors, kasama ang mga uniformed personnel at lahat ng mga nagtatrabaho sa labas ng bahay.
Ngunit nakikiusap pa ang Health Emergency Response Task Force (HERTF) sa Department of Health (DOH) at Interagency Task Force (IATF) na payagan na ang Naga. Tiwala ang HERTF na papayagan ang lungsod. May hinihintay pang 10-libo doses ng bakuna para ngayong linggo, 60-70% nito ang maaaring ibigay sa mga nasa A4 Priority. Mataas na rin naman ang porsyento ng nabakunahan sa A1 hanggang A3 priority group.

Sinabi ni City Health Officer Dr. Butch Borja na upang mabilis nang matapos ang bakunahan, tinutukan ang senior citizen, persons with disabilities at bed ridden individuals , ginawa na ang house-to-house vaccination.