Pagbabakuna sa Catanduanes, tuloy-tuloy pa rin sa gitna ng muling pagtaas ng mga naitalalang kaso ng COVID-19

BNFM BICOL—Sakabila ng muli nanamang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa islang probinsya ng Catanduanes, hindi naman ito nagiging hadlang upang magpatuloy sakanilang vaccination effort ang lalawigan.

Hanggang sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang vaccination roll out sa iba’t-ibang panig ng probinsya habang umaarangkada rin ang pagtuturok ng ‘booster shots’ para sa mga residenteng kwalipikado nang maturukan nito.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kahapon isinagawa ng PHO Vaccination Team One ang pagbabakuna ng 1st, dose, 2nd dose at booster shots gamit ang Pfizer vaccine sa Pandan Municipal Hall sa bayan ng Pandan.

Gayundin ang pagbabakuna sa mga residente ng Brgy. Wagdas, San Roque, Tabugoc, Lourdes, at Porot sa parehong bayan nito namang nagdaang araw ng Martes.

Habang ngayong darating na Biyernes, January 14 inaasahang isasagawa ng EBMC Vaccination Team ang pagbibigay ng second dose sa pediatric population at booster dose naman sa mga nasa adult population sa Covered Parking Area ng Eastern Bicol Medical Center.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Matatandaang batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Provincial Health Office as of January 8 ay umabot na sa mahigit 341,000 na mga indibidwal sa Catanduanes ang bakunado na kontra COVID-19 kaya’t nasa 55%  na ang vaccination coverage ng naturang probinsya.###