Pagbabakuna sa A1 Category sa Guinobatan, Albay mababa -DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Tanging ang bayan ng Guinobatan sa Albay ang may mababang coverage ng pagbabakuna pagdating sa A1 priority group.

Ito ang inihayag ni Dr Ferchito Avelino ang Assistant Regional Director ng Department of Health (DOH) Bicol sa press briefing kahapon.

Ayon kay Avelino, tatlong linggo ng napanatiling nito na nasa 78% ang pagbabakuna sa mga health personnel sa Guinobatan.

Aniya, halos hindi na gumagalaw umano o tumataas ang coverage ng pagbabakuna nito.

Dagdag pa nito, kailangan unahin ang A1 priority group sa pagbabakuna dahil sila ang pinakaprayoridad laban sa sakit na covid 19.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sinabi ng opisyal, kinakailangan ngayon magabayan o matulungan ang LGU sa paghihikayat ng pagbabakuna sa mga Health personnel.

Ayon pa kay Avelino, ang bayan ng San Lorenzo Ruiz Camarines Norte ay nasa 77% pa rin ang kanilang pagbabakuna sa A1 priority group habang ang bayan ng Magarao nasa 82% at Ragay Camarines Sur nasa 84% ang coverage ng kanilang pagbabakuna na kung saan kailangan makompleto ng mga ito ang pagbabakuna.

Samantala, ikinalulungkot ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa A2 priority group ay mababa pa rin ang pagbabakuna sa Bicol Region na kung saan ay nasa 47% pa rin.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Aniya, dapat maipaliwanag ng maayos ng mga LGU ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa covid 19.

Hindi dapat maging rason ng mga senior citizen na hindi na kailangan ng bakuna dahil sa madali ng mamatay ang mga ito.

Dagdag pa nito tanging ang lalawigan ng Masbate ang pinakamababa sa lahat ng Probinsya sa Bicol ng pagbabakuna sa mga senior citizen na kung saan ay nasa 28%.

Sinundan ito ng Camarines Sur na mayroong 41% ng pagbabakuna sa A2 priority group, 48% sa Sorsogon, 49% sa Albay, 51% Camarines Norte habang ang Lalawigan ng Catanduanes pinakamataas ng pagbabakuna sa senior citizen na may 77%.