Isang artist at civil engineer ng DPWH-BICOL na tubong Catanduanes, binigyang pagkilala matapos itanghal bilang ‘best artist of the year’ sa isang international art competition

CATANDUANES — Binigyang pagkilala ng DPWH-Bicol ang naging tagumpay ng artist at licensed Civil Engineer na si Maruja Panti mula sa Virac, Catanduanes matapos nitong makamit ang parangal bilang “Best Artist of the Year” sa isang International Art Competition sa bansang Germany.

Nakamit ni Panti ang parangal matapos niyang isali ang kanyang obra sa “Innovation in Daily Life” isang art competition na inorganisa ng International Art Program and ArtBook, at The Platform.

Kinabiliban ng mga banyaga ang kanyang ipinintang obra na tinawag niyang “Beautiful Progress” na ayon sakanya ay nagpapakita ng kagandahan at mga pagsubok na kinakaharap ng mga kontemportaryong kababaihan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Bukod sa  pagiging pintor, si Panti ay isa ring tattoo artist at nagta-trabaho bilang Engineer 1 sa DPWH Catanduanes District Engineering Office.

Dahil sakanyang accomplishment, si Panti ay itinuturing na ngayon bilang isang International Artist at katunayan ay naipakita na sa 32 bansa ang kanyang obra.

Kaugnay nito, ipinaabot ni DPWH Bicol Regional Director Virgilio Eduarte ang kanyang pagbati kay Panti at sinabing marami pa sa mga tauhan ng kanilang ahensya ang may espesyal na kakayahan sa ibang larangan at hinihikayat niya umano ang mga itong gamitin ang kanilang talento, ngunit palagi pa ring iprayoridad ang kanilang trabaho at pag se-serbisyo publiko.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Mensahe naman ni Engr. Panti sa lahat ng mga kabataang nangangarap na maging artist, patuloy lang na linangin ang kanilang talento dahil hindi lahat ay nabiyayaan ng kakayahang gumuhit at lumikha ng obra na magbibigay inspirasyon at kulay sa mundo.###