Pagbabakuna ng 2nd dose ng Sinovac bukas sa Olongapo kanselado

Kanselado muna ang pagtuturok ng ikalawang dose ng sinovac vaccines bukas, July 23 para sa mga unang naturukan noong June 25 sa Olongapo City.

Ito ay sa kadahilanang walang natanggap na sinovac vaccines ang lungsod ngayong linggong ito mula sa Department of Health Region 3.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, nasa mahigit 390 ang dapat babakunahan ng second dose.

Sakali naman aniya na magkaroon ng suplay ay agad mag-aabiso ang CHO sa mga babakunahan para sa bagong schedule.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa si Bustamante sa benipisyaryo dahil sa pagkaantala.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of 1 person, standing and text that says 'SHOP NOW! Lazada 100Capss ASCORBICA Ascorbate) GUARD-C VITAMIN ~ ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C ww.a'