CAMARINES NORTE- Muling aarangkada sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang pagbabakuna simula ngayong araw, October 12.
Ito ang inanunsiyo ng Municipal Health Office sa pamamagitan ng kanilang official social media account.
Hinihihimok ang lahat na may edad 18 pataas na nais nang magpabakuna at ang mga hindi pa nabibigyan ng ikalawang dose na lagpas na sa naka- schedule na makipag ugnayan sa mga Barangay Health Center o sa mga Nurses o Midwives.
Maliban sa naka -schedule ngayong araw ay mayroon ding bakunahan sa October 14, Huwebes at October 15 sa araw ng Biyernes na gaganapin sa Mercedes Evacuation Center.
Batay sa datos ng MHO hanggang noong October 7, 2021 ay nasa 8, 231 na ang nabakunahan sa naturang bayan.
Samantala, inihayag naman ng Department of Health Bicol na simula noong October 8 ay nagsimula na ang vaccination rollout sa nalalabing adult population.
Sa ilalim ng Department Circular, babakunahan na ang nalalabing adult population o yaung mga edad 18 anyos pataas habang tuloy- tuloy naman ang pagbabakuna sa mga kabilang sa iba’t- ibang priority groups.
