Pagbabaha sa Naga City , inaasahang mababawasan

NAGA CITY- Tapos na ang Naga City Engineering Office sa halos lahat ng ginawang maintenance, kaya naman inaasahan ng opisina na mababawasan ang pagbabaha.

Ayon kay Engr. Alex Caning City Engineering office head, matagal nang problema at paulit-ulit nang sinusulusyunan ang mga basura tuwing dumarating ang tag-ulan.

Read More:  Three arrested, including dismissed cop, in Davao de Oro graduate shooting

Nakikiusap din sila sa publiko na gamitin sa tama ang lahat ng mga pasilidad, regular rin ang pangkokolekta ng Solid Waste Management Office sa mga nagkakalat na mga basura sa kalsada kaya wala nang sapat na dahilan upang kumalat pa sa mga kanal.

Read More:  Truck driver arrested after betting ₱40,000 company funds on scatter game in Cebu City

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang paggawa sa long term solution project na Almeda, Mabolo by-pass road ang Department of Public Works and Highways (DPWH), nakagawa na rin sila ng unang sagop creek-outfalls ng drainage waters sa paghahanda tuwing sasapit ang tag-ulan.