Pagbabaha sa mga Paaralan sa low lying areas sa Naga City, maiiwasan na diumano dahil sa mga Barangay Flood Control Projects

NAGA CITY – Kompiyansa ang mga barangay opisyal sa Naga City na hindi na babahain o mababawasan ang pagbabaha sa mga sakop nilang mga paaralan dahil sa isinagawang flood control projects, lalo na doon sa kinokonsidera nilang low lying areas.

Isa na rito ang Barangay Calauag na nalulubog sa tubig-baha kung dumarating ang tag-ulan, ang mga kalye pati na rin sa paaralan nila, na ayon kay Punong Barangay Corazon “Azon” Peñaflor ay posibleng maiwasan na ngayon tapos na ang proyekto nila na ipinatupad ng lokal na pamahalaan.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Peñaflor na malaking tulong ang project na ito para makontrol na ang pagbabaha sa barangay nila, sa CLUPA, sa Villa Karangahan at iba pang sona.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *