Inflation – bahagyang bumagal nitong Hunyo sa 3.7%

Napatid na ang apat na buwang sunud-sunod na paglobo sa inflation, ‘o ‘yung antas ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) – bumagal ang inflation sa 3.7% nitong Hunyo.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Mas mababa ito sa 3.9% na inflation rate noong Mayo.

Sabi ng PSA, ang pagbagal ng inflation ay dulot ng mas mabagal na pagtaas sa presyo ng ‘Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels, and Transport.’

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa ngayon – naglalaro na sa 3.5% ang year-to-date inflation, at pasok sa ceiling na 2-4% ng Gobyerno.