Pagre-release nang naudlot na HEA ngayong araw, tila ‘itinaon’ daw sa nalalapit na SONA – healthcare workers group

Hindi na raw nagulat ang Alliance of Health Workers sa anunsyong mas maagang release ng Health Emergency Allowance (HEA) ngayong araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Alliance of Health Workers President Robert Mendoza, iginiit nitong ang paglalabas ng pondong P27.45B ng Department of Budget and Management para sa HEA para sa mga health workers ay long overdue na, at itiniming lang sa SONA.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ayon kay Mendoza, pakiramdamn nila ay hindi sila nabibigyan ng prayoridad kahit na tinatawag silang bayani ng pandemya.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Aniya, bakit naman kailangan pang umabot nang tatlong taon ang allowance bago maibigay sa kanila.

Sa huli, binigyang-diin ni Mendoza na marami nang nag-resign at namatay na healthcare workers na hindi pa rin compensated.