PAGASA walang namomonitor na sama ng panahon hanggang katapusan ng Abril

Asahan pa rin ang maalinsangang panahon ngayong Lunes sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA ito ay dahil pa rin sa Easterlies na umiiral sa silangan bahagi ng Visayas at Mindanao.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Posible naman maranasan ang pinakamainit na temperatura sa Cotabato City ngayong araw na maaring pumalo sa 38 degree celcius.

Nagbabala din ang weather bureau sa mas mainit pang panahon sa susunod na araw na posibleng pumalo ng hangang 49 degree celsius.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Wala na din namomonitor ang PAGASA na sama ng panahon na maaaring mabuo hanggang sa pagtatapos ng Abril.