Ilang lugar, patuloy na makakaranas ng matinding init ng panahon; publiko, pinag iingat

LEGAZPI CITY – Pinag-iingat ngayon ng PAGASA-DOST ang publiko dahil makakaranas pa rin ng matinding init ng panahon ang ilang lugar sa bansa sa mga susunod na araw.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 46° celsius ang heat index sa lungsod ng Legazpi kahapon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nangunguna ang nasabing lunsod sa mga may matataas na heat index, habang sumunod dito ang Ambulong, Tanauan at Dagupan City na parehong may 43°C.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Parehong nakapagtala ng 42° celcius ang Davao city; Iba, Zambales; Masbate City at NAIA sa Pasay City.

Pinapayuhan ng ahensya ang publiko na uminom ng maraming tubig upang hindi magkakaroon ng dehydration.