KORONADAL CITY – TUMAAS ang turn-out ngayong last quarter ng taong 2024 ng mga aso at pusa na pinabakunahan laban sa rabies. Ito ang inihayag ni Dr. Charlemagne Calo sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal. Nabatid na nagpapatuloy ngayon ang pamamakuna sa mga purok ng Barangay Sta. Cruz na susundan naman ng Zone 3, 2, at 1.
Sa datos ni Calo, marami na umano ang aware laban sa rabies kung saan napagtanto na umano ng lahat ang masamang epekto nito sa isang indibidwal. Samantala, umaasa naman si Calo na maging matagumpay ang kanilang aktibidad bago matapos ang taong 2024.
Sa datos ni Calo, marami na umanong aware laban sa rabies kung saan napagtanto na umano ng lahat ang masamang epekto nito sa isang indibidwal.
Hinihiling din ng opisyal ang publiko na maging masunurin sa lahat ng oras upang walang magiging problema sa susunod na panahon. Bumaba narin umano ang bilang ng mga indibidwal na pumupunta sa nagtatandok matapos nakagat ng aso o pusa.
