PAGASA: Dante, local thunderstorms magdadala ng mga pag-ulan sa PH

Magdadala ng mga pag-ulan sa bansa ang Tropical Storm Dante at localized thunderstorms.

Sa huling forecast ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Dante sa bisinidad ng Victoria, Oriental Mindoro, dala ang lakas na hangin na 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 90 kph, habang kumikilos pa-west northwestward sa bilis na 15 kph.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon sa weather bureau, iiral ang stormy weather conditions sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Romblon, Marinduque at Mindoro provinces.

Ang Metro Manila at ibang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON ay makakarAnas ng ulan na may bugsong hangin, habang ang Bicol Region, Central at Western Visayas, Pangasinan, La Union, Benguet, at Palawan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Samantala, maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers ang iiral sa ibang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. //MHEL PACIA