Pag-utos ng Pangulo sa mga opisyal na huwag dumalo sa hearing, ‘unecessary’ – Sotto

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na kinailangan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang mga opisyal ng executive branch na dumalo sa Senate probe.

Sinabi ni Sotto na “unecessary” ang naging kautusan ng Pangulo.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ipiunto niya na bilang alter-ego ng Pangulo, ay hindi maaring arestuhin ang mga miyembro ng Gabinete.

Tiniyak naman ni Sotto na buhay pa ang respeto sa isa’t-isa sa pagitan ng co-equal branches ng gobyerno.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Malinaw rin anya sa batas na request lamang ang pwedeng ipadala ng Senado sa mga kalihim na nais nilang padaluhin sa mga hearing at hindi ito obligatory.